yes! yes! yes!...i really truly believe that if things are meant to happen, even however long it takes, if it is meant to be, against all odds man, harangan man ng sibat, kung para sa iyo, para s'yo.
ano ba itong mga pinagsasasabi ko? well, marunong na akong mag bike!!!! yey! as dorky as it sounds, yes, ngayon lang ako natuto. kung sa iba natural na lang ang pag-ba-bike, well not for me. first i dont like bike kasi di ako nabilihan nung bata ako, tapos masakit sa singit, and nahihiya ako lumabas ng house para mag-aral. but my late lolo polding tried to taught me how to bike, but all his efforts and broken eardrums(sa katitili ko)were put to waste kasi super dummie talaga ako nun. and after so many years, tinigilan ko na ang mangarap about bike. sa panaginip ko na lang na-e-experience ang humarurot sa bike. till.............
TODAY! may 16, 2007. 6pm at earth field .
since it is our (jayson) exercise routine to do our cardio workout in an open space, we'd go there at 5pm and run for 1hr, well power walking and running naman. hindi naman kasi kami masyadong carreer. so, cool down na kami, suddenly there came two boys in a cute bike. jayson was like...
json pogi : mhi, bike tayo oh, turuan kita, kausapin kaya natin yung mga bata tapos rentahan natin bike nila.
denishabeybeh : sige, "bata, gusto nyo magkapera? rent namin bike nyo. wait nyo lang kami dito. "
batang maitim & mataba(di ko na kasi inalam names nila) : (nag-isip pa muna, pakipot, pero kilig inside) sige.
batang payat na malnourished : sige, boss, tingnan nyo nalang yung isa kasi baka makalag yung kadena....
kinikilig ako, makakasakay na ko ng bike. di nako nahihiya kasi kami lang naman yung nasa subdivision kung sakaling tumaob man ako. di bah?
so, papadyak-padyak lang muna habang tinutulak ako ng hangin and while si jayson ay nasa tabi ko lang. he would say "mhi, kaya mo yan, padyak padyak lang tapos balance tapos tingin sa malayo, tapos break pag malalaglag ka na".
so ako naman, para bang kakampi ko ang tadhana sa oras na iyon, habang binubulungan ako ng hangin at nadidinig ko ang kabadong boses ni jayson, di ko na napansin na umaandar na pala ako. padyak....balance....tingin sa bundok at mga ulap.....langhap ng hanging sariwa...with jayson following me....YEHEY!!!!!MARUNONG NA AKONG MAG-BIKE!!!!
it does'nt take to be a rocket scientist to figure it out. i dont know how to describe the feeling of learning finally the thing you wanted for the long time. dati pa angkas angkas lang ako sa likod, ngayon marunong na ako. di ko na kailangan maki-angkas sa kahit kanino. haaaayyyy amg sarap ng feeling. super perfect! and the experience wont be as exciting as it was if jayson were'nt there. sabi nga nya bibili nya na ko ng bike. sabi ko yung cute na may basket sa unahan. i did'nt know why i requested for that, wala lang, para girlie siguro.
so, binalik na namin yung bike nung dalawang bata. pagkakataon nga naman ano? malay ba nilang magkakapera sila sa pagliko nila sa earthfield. at malay ko din bang matututo na ko mag-bike. for pete's sake, am 27 y/o na. but what the heck, its never too late di ba?
feels like heaven!
hahaha! congrats! ako maraming bad experiences sa pagbibike pero di parin ako nadala. Hehehe! miss u dear! :)
ReplyDelete