May 8, 2007

Glamour glamour!!!


kulot? sige, para sa mahal kong kaibigang si Et. My bride friend and now Mrs. Agustin...finally. i love you mare.

okay ba? i mean, bagay ba? I've never been to salon for a hair and make up total make-over, except for a regular hot oils and hair cut. so this is first for me.

So, sa ngalan ng pagpapaganda kadikit na nito ang dusa. bakit? eh ten am palang nasa salon na kami sa baba ng Sofitel doing the excruciating process of glamorization. and i tell you, it's not glamorous. it's not like my everyday routine of powder then blush then gloss(when the mood strikes), pag may occasion may eye shadow pa but normally am ready to put on a show my "not pangbahay" na itsura.

Sa tagal inaantok ako, especially when they're doing my hair, curling it...eh ang haba, kahit ba manipis hair ko noh, ang tagal kaya. Super naiinip ako. i felt like trapped, because claustrophobically speaking am a little uncomfy when am confined to wait and not do a thing. gusto ko may participation ako. Kaya madalas ako magsisi pag magpapa hot-oil ako kasi at the middle of the process..."naku bakit na ako nagpahot-oil pa?" parang ang tagal ng 30 minutes... so going back...

habang nakasalang ang buhok ko sa curling iron, na umuusok-usok pa, at nangangamoy na inihaw na buhok na, gusto ko na ipahinto. Natakot ako! Eh wala nako magagawa, nasimulan na eh. Gusto ko na umiyak! Iniisip ko na lang...denden gaganda ka(100x)...then after saying it 200x, sa wakas natapos din. Kala nyo tapos na? Make-up pa!

Foundation application - 10 mins (dalawang shade pa, kung bakit, di ko na inalam!)
eye shadow - 15 mins yata, feeling ko ang daming nilagay, pagdilat ko, nyeh! un lang? shades of yellow, brown and orange, motif ni Et.
eye brow - Dang, inahit ang kilay ko. di daw kasi pantay and masyadong makapal. huhuhuhu. ang taray tuloy ng itsura ko.
blush - manipis na pahid lang...nagtitipid
lip color - loreal ...something...pearl shine..

tapos nilagay na sa hair ko yung headdress na pagka-cute cute!

so after almost 3 hours under the hands of the professionals....jararannnn.."hello, ako po si Denishebeybeh, ang super Sireyna ng Bataan!"...i looked different!

Shocked ako!
it wasnt me at all!
Nalungkot ako!
Ayaw ko magpakita kay Jayson who's excitedly waiting na makita na maayusan ako!
Am extermely weary on how my friends gonna see and react on my new face.
It's like, Oh God, give me strength to face my fears...hehe.

1st base - back at the hotel room. someone said, "Denise nag-iba ang muka mo." strike one!
2nd base - i texted Jayson to see me outside the room. He was all smile naman pero nung palapit na sya he was studying my face, siguro on "what's happened?"His face brightened and said "you look so pretty, ang nipis ng kilay mo". Strike 2!! naman!!
3rd base - on our way down sa garden for pictorial, Joseph was smilling and said something like "si Denise pala yun, kanina pa ako kinakawayan, di ko nakilala, kulot kasi"...naku gusto ko suntukin si Joseph. Talaga namn! Strike 3!!

So, am OUT!

i was thingking, sulit ba yung 2T na fee for hair and make-up?
it was like, i went there as a clean canvas hoping for a clear-enhanced me but ended up totally looking different. i was a bit low.

So, ma-eenjoy ko ba ang araw na ito looking not-so-me?
And suddenly, may nag snap sa aking isip? "hey where's the fun in you?"
CONFIDENCE girl, CONFIDENCE!!!!
YUp, why not. That's my best accessory ever!

Tapos, little by little, i began to play whats on my face. Ganda naman pala ng hair ko! Kulot nga eh. Maiba naman sa straight na boring. And the make up am dreading about, little by little too, am getting to love it! Siguro, nabigla lang talaga ako.

The rest of the night, i was possessed by this new persona. Oh, i love myself. And i thought, it's not the amount of make-up put on you that makes you feel beautiful. It's what's inside that will carry you whenever you go. And to think that models are the most insecure person in the world..well, says Tyra Banks, not me, coz am not one. hehe. But you get me right?

So, next time na magpapaparlor ulit ako?....hmmmm...definetely looking forward to it! Aba! ang sarap din naman ng feeling mo pampered ka. Glamour glamour ang drama mo! Di bah? Artista!




3 comments:

:: sHoNa :: said...

wow! ganda ng hair! sosyal!!! hehehe!

et said...

hi deng!i never thought super mahal mo tlga kami ni rolie!!!never ako naka rinig ng reklamo ever sau!ibang klaseng sacrifice pala ung ginawa mo for me...i love you so much dear!and super thank you tlga sa inyo ni jason!pero infairness maganda ka tlga!mana ka yata sa BRIDE :-)

Anonymous said...

Salamat para sa mga kagiliw-giliw na blog

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...